Sa 1,400m Special Class Division El Libertador nagpakitang-gilas

MANILA, Philippines - Nagpakitang-gilas na rin ang El Libertador nang masama ito sa mga nanalo sa pista noong Martes ng gabi sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Si AR Villegas ang dumiskarte uli sa nasabing kabayo at nakabawi ang tambalan matapos ang pa-ngatlong puwestong pagtatapos sa unang karera noong nakaraang buwan.

Ang Basic Instinct ni RO Niu Jr. ang siyang pumangalawa sa karerang inilagay sa 1,400-metro at isang special class division race.

Dikit ang benta ng mga tumakbo at ang panalo ng El Libertador ay nagpasok ng P21.00 dibidendo habang ang 1-5 forecast ay may P41.00 na ipinamahagi.

Napangatawanan naman ng Caramel ang pagi-ging paborito sa sinalihang karera habang ang Angel Of Mercy ang lumabas na pinakadehadong nanalo sa unang gabi sa nasabing pista.

Napaboran ang kabayong sakay ni Pat Dilema at binigyan ng 58 kilos handicap weight bunga ng pa-ngatlong puwestong pagtatapos sa 1st leg ng Philracom Imported/Local Stakes Race noong Enero.

Nakontento muna ang tambalan sa pang-apat na puwesto ngunit sa far turn ay kumilos na ang Caramel at nakasabayan ang Penetrator na rumemate.

Ang dalawang kabayo na ang naglaban sa rekta pero malakas pa ang Caramel na nanalo ng halos tatlong dipa sa Penetrator na hawak ng apprentice jockey CS Pare.

Naghatid ang win ng P8.50 habang nasa P22.50 ang ibinigay sa 1-3 forecast.

Si JPA Guce ang gumabay naman sa Angel Of Mercy na walang awang iniwan ang mga humamon para manalo sa 3YO Handicap Race 1 na pinaglaba-nan sa 1,400-metro.

Kumabig ang mga nanalig sa husay ng Angel of Mercy ng P30.00 habang ang 7-4 forecast ay may P142.50 dibidendo. (AT)

Show comments