MANILA, Philippines - Nagkainan sa dahon ng saging ang Philippine Men’s volleyball team bilang pagsalubong sa dala-wang Australian players na magpapalakas ng Phi-lippine team noong Lunes ng gabi at nagustuhan ni National coach Francis Vicente ang kanyang nakita sa unang practice sa tsansa ng Pambansang koponan para sa 2014 PLDT HOME Fibr Asian Men’s Club Volleyball Championship na handog ng PLDT Home Fibr sa April 8-16.
“They quickly jelled with the boys. Their first practice with the National pool was so smooth,†sabi ni Vicente ukol sa mga Aussie players na sina Cedric Legrand at William Robert Lewis.
Inilarawan ni actor-sportsman Richard Gomez, ang volleyball ambassador para sa Philippine SuperLiga at posibleng maging miyembro ng bagong National volleyball team na ihahayag ngayong buwan, ang dalawang player na mabibilis at matataas tumalon.
“They are fast and both have impressive verticals,†sabi ni Gomez pagkatapos ng practice ng National pool noong Lunes sa Rizal Memorial Coliseum.
Hinainan sina Legrand at Williams ng lechon baboy at iba pang pagkaing Pinoy at nakisali din sila sa salu-salo kasama ang mga miyembro ng National pool at coaching team.
Umaasa ang marami na makakasulong ang Pinas sa susunod na round matapos mapasama sa ‘favorable group’ sa ginanap na bunutan kamakailan.
Nakaiwas ang Philippines sa maagang pakiki-pagharap sa Asian heavyweights matapos mapasama sa Iraq, Kuwait at Mongolia sa Group A. Ang Group B ay kinabibilangan ng regional powerhouses na Iran at Japan kasama ang Lebanon at Vietnam habang tampok sa Group C ang runner-up noong nakaraang taon na Qatar, Kazakhstan, Oman, Hong Kong at Turmekistan.
Ang event ay co-organized ng SportsCore na may malawak na karanasan sa pag-oorganisa ng international events.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.pldthome.com/.