Driver of the Year ihahayag ngayon

MANILA, Philippines - Pararangalan ngayon ang mga motorsports stars sa isang seremonya sa 11th Golden Wheel Awards Night kasama si Singapore Motor Association deputy president Harold Netto sa Samsung Hall ng SM Aura sa Fort Bonifacio Global City sa Taguig City.

Magsisimula ang two-part event sa ganap na alas-3 ng hapon kung saan sasamahan ni Netto si Golden Wheel Foundation Inc. chairman Johnny Tan sa pagkilala sa tatanggap ng Golden Wheel Driver of the Year award.

Naglalaban para sa naturang award ang 11 nominated champions ng iba’t ibang motorsports events.

Ang mga ito ay sina Johnlery Enriquez (scooters), Niño Fabian (underbone racing), Dashi Watanabe (superbikes), Glenn Aguilar (motocross), Daniel Miranda (karting), Gio Rodriguez (drifting), Peewee Mendiola, MD (slalom), Edison Dungca (4x4 off road), Bryan Bautista (classic cars), Jody Coseteng (grand touring) at Jonathan Tiu (drag racing).

Si Netto ang isang iginagalang na race official sa international racing scene at nagsilbing steward sa premiere Formula One Racing Championship at pati na sa Asia-Pacific Rallye Championship at Asian Karting Open Championships.

Makakasama ng mga major awardees si motocross legend Edward Butch Chase na magiging pang-walong motorsports great na iluluklok sa Hall-of-Fame.

Tatanggapin naman nina Singaporeans Mohammad Nasri Naufal Bin Nasir at Gabriella Teo ang kanilang mga Golden Wheel trophies para sa kanilang pagiging overall Asian Karting champion at Asian Karting Junior champ, ayon sa pagkakasunod, sa 2013 Asian Karting Open Championships.

Si Marlon Stockinger ang kauna-unahang tatanggap ng Motorsports Lifetime Achievement Award para sa kanyang mga taumpay bilang national karting champion, Asian Karting champion, Golden Wheel awardee at unang Filipino racer sa Formula 1 Junior Lotus Team.

Si Jose ‘Boy’ Ochoa Jr. ay bibigyan ng Posthumous Motorsports Lifetime Achievement award para sa kanyang kontribusyon bilang race driver at race steward.

 

Show comments