MANILA, Philippines - Di hamak na mas ma-lakas ang NLEX team na naglaro sa PBA D-League Foundation Cup kumpara sa kumatawan sa katatapos na Aspirants’ Cup.
Pero hindi man kasing-talento ay determinado ang mga manlalarong kinuha ni coach Boyet Fernandez para maibalik sa itaas ang Road Warriors.
“Ang plano talaga namin since the start of the conference is to redeem ourselves,†ani Fernandez.
Paborito ang Road Warriors na makuha ang ikalimang sunod na titulo noong nakaraang confe-rence dahil nasa koponan ang higanteng si Greg Slaughter at RR Garcia na ngayon ay nasa PBA na.
Pero hiniya ang NLEX ng Blackwater nang hindi patikimin ng panalo sa best-of-3 series para maunsiyami ang inaasahang panalo ng mga panatiko.
Nasa koponan pa rin ang mga beteranong sina Garvo Lanete, Jake Pascual, Kevin Alas at Matt Ganuelas at pinalakas nina Ola Adeogun, Art Dela Cruz Jr. at Rome dela Rosa ng NCAA champion team San Beda.
Nagkaroon man ng adjustments, hindi nakita ang masamang epekto nito dahil sa pagtutulungan ng mga manlalaro na saluhin ang isa’t isa.
Dalawang beses lamang natalo ang NLEX sa Aspirants Cup at sa Finals ay dinurog ang pinalakas ding Big Chill sa pamamagitan ng 2-0 sweep.
“Talagang makikita mo na buong-buo ang team ngayon. Ang concentration nila, naroroon sa iisang goal na makabawi kami,†pagmamalaki pa ni Fernandez na may limang kampeonato sa anim na pagtapak sa Finals.
Panandalian lamang ang magaganap na se-lebrasyon dahil ang liga ay babalik na sa Marso 18 at wala silang ibang balak gawin kungdi ang palawigin ang dominasyon sa liga.
Mangunguna tiyak sa kampanya sina Lanete, Ganuelas, Pascual at Alas na inaasahang aakyat na ng PBA.
Ang bagay na ito ay magagamit uli ng koponan bilang ‘rallying point’ para makatiyak na patuloy na magiging mabangis sila na dapat na paghandaan ng ibang kasaling koponan.