LeBron-less Miami nalo sa Chicago

MIAMI - Nanood lamang si Le-Bron James mula sa bench at nakasuot ng mapormang gray suit at nang magtabla ang laro sa halftime, hinubad niya ang kanyang necktie.

Nawala sa scoreboard ang pagkakatabla mula sa mahigpit na depensa ng Mia-mi Heat at matuwid na outside shooting ni Chris Bosh patungo sa kanilang 93-79 panalo laban sa Chicago Bulls.

“We were missing a pretty big man,” sabi ni Dwyane Wade kay James. “There’s nothing we can do to replace the best player in the world, but we just had to go out there and play team basketball on both ends of the floor.”

Nabasag ang ilong ni James nang tamaan ni Serge Ibaka ng Oklahoma City sa panalo ng Heat kontra sa Thunder noong Martes.

Ang dating No. 1 draft pick na si Greg Oden ang pumalit kay James sa starting line-up, ang kanyang kauna-unahan sapul noong Disyembre 2009, at tumulong sina reserves Chris Andersen, Michael Beasley at Ray Allen na mailayo ang Heat sa second half.

Naduplika ni Bosh ang kanyang career high na apat na 3-pointers at tumapos na may 28 points at 10 rebounds. Nagdag-dag naman si Wade ng 23 points, 10 rebounds at 7 assists, habang may 12 markers at 9 assists si Mario Chalmers.

Ang depensa ang siyang ipinantapat ng Heat sa Bulls.

“We’re starting to put it together defensively,” ani Bosh. “We got off to a slow start early in the season, but I think right now we’re starting to get it, starting to click.”

Humakot si center Joakim Noah ng 20 points, 15 rebounds at 4 blocks para sa Chicago na nanggaling sa isang five-game winning streak.

Itinala naman ng Miami, naglaro sa kanilang balwarte sa unang pagkakataon matapos ang 20 araw, ang kanilang pang-limang sunod na panalo.

 

Show comments