MANILA, Philippines - Matiyagang naghintay ang mga fans sa glass partition sa ground floor at sa steel railing sa second level ng Mall of Asia Ice Skating Rink sa hanga-ring makita ng personal si Olympic figure skater Michael Christian Martinez.
Nasuklian naman ang kanilang paghihintay.
Makaraan ang 50-mi-nute delay matapos ang kanyang mahabang flight mula sa Moscow, Russia, dumating si Martinez na tumanggap ng isang hero’s welcome na nararapat sa isang taong kumatawan sa kanyang bansa sa Winter Olympics sa Sochi.
Hindi alintana ang jetlag, pinarangalan si Martinez sa pamamagitan ng isang motorcade na dumaan sa ilang kalsada sa Manila, Makati at Pasay City bago dumiretso sa MOA kung saan naghihintay ang media men at fans.
Bukod sa mga rega-long ibinigay sa kanya, kasama ang $10,000 mula kay sports philantrophist Manny V. Pangi-linan, tumanggap din ang 17-anyos na si Martinez ng ‘Susi ng Lungsod ng Pasay,’ lifetime privilege sa lahat ng skating rinks ng SM at ang $10,000 (P450,000) buhat kay SM big boss Hans Sy.
Pinasalamatan ni Martinez ang lahat ng mga nagbigay sa kanya pati ang kanyang mga kababayang nagpalakas ng kanyang loob sa paglahok niya sa Winter Olympics sa Sochi, Russia kung saan siya lamang ang tanging Southeast Asian na nakasali.
Pinarangalan din si Martinez ng lungsod ng Muntinlupa kung saan siya nakatira, kahapon. Binigyan siya ng P100,000 bilang incentive at isang motorcade sa lungsod bago binisita ang kanyang eskuwelahan na Muntinlupa School for Child Development (MSCD).
Nakatakdang lumahok si Martinez sa World Juniors Championship sa Marso 13-15 sa Bulgaria bilang bahagi ng kanyang preparasyon para sa susunod na Winter Olympics sa Pyongchang, South Korea sa 2018.
Napakaraming gastos, napakaraming injury na pinagdaanan si Martinez bago nakarating sa Sochi Winter Olympics.
Sa kanyang pagpupursigi at determinasyon, nalagpasan ni Martinez ang lahat ng hamon na kanyang hinarap at bilang pinakabatang competitor sa men’s participants, tumapos siya bilang 19th overall sa 24 na pumasok sa medal round. Inilagay niya ang Pilipinas, bansa na walang winter at snow, sa mapa ng Winter Olympics.
Umalis siya sa bansa bilang isang ordinaryong figure skater at dumating siya na itinuring na isang bayani.