MANILA, Philippines - Nakuha ng Hari Ng YamÂbo ang unang malaÂking panalo sa taon nang doÂminahin ang 2014 PCÂSO Freedom Cup kahaÂpon sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.
Si JPA Guce ang siyang sumakay sa anim na taÂong gulang na kabayo na nasa unahan mula sa aliÂsan para ipakita ang maÂgandang kondisyon ng kabayo sa 1,600-metrong karera.
Ang premyong P800,000.00 ang napanaÂlunan ng connections ng Hari Ng Yambo na isang leg winner nong 2011 TriÂple Crown.
Ang outstanding faÂvoÂrite na Pugad Lawin ay umayaw sa paglapit ng rekta para tumapos ang kabayong sakay ni Pat DiÂlema sa pang-apat na puÂwesto.
Sa pagbukas ng aparato ay agad na naglabanan sa unahan ang Hot And Spicy ni Mark Alvarez at Hari Ng Yambo, habang isang dipa ang layo na nakasunod ang Pugad LaÂwin at Boss Jaden ni Jeff BaÂcaycay.
Ganito ang puwestuhan hanggang sapitin ang far turn nang kinargahan na ni Guce ang sakay habang ang Pugad Lawin ay nagpaparamdam na rin nang kunin ang ikalawang puÂwesto.
Ngunit ubos na ang 2013 Presidential Gold Cup champion at nagÂlakad na sa huling 100-metro.
Sinikap ng rumereÂmÂaÂteng Basic Instinct ni Reynaldo Niu Jr. na habulin ang Hari Ng Yambo pero tumulin pa ang anak ng Chapel Royal sa Daulide paÂra sa halos tatlong dipang agwat na panalo.
Ang Golden Empire ni Kevin Abobo ang siyang kumuha sa ikatlong puwesto.
May P350,000.00 ang Basic Instinct, habang P200,000.00 at P150,000.00 ang naiuwi ng Golden Empire at PuÂgad Lawin.