Knicks pakakawalan sina World Peace, Udrih

NEW YORK -- Nakahanda ang New York Knicks na bilhin ang mga kontrata nina veterans Metta World Peace at Beno Udrih para pakawalan sila.

“We’re going in a different direction and we’ve got to figure out another spot or two for our ballclub,” ani coach Mike Woodson.

Isinulat ni World Peace sa kanyang Twitter account noong Sabado na inaayos ng kanyang agent ang isang buyout kasabay ng pasasalamat sa kanyang mga fans pati na sa New York.

Hindi nakakasama sina World Peace at Udric sa rotation ni Woodson sa kanyang unang season para sa Knicks kung saan napanood lamang si Udrih sa 31 laro, habang 20 be­ses si World Peace.

 

Show comments