Para makalapit sa korona ng Aspirant’s Cup: Road Warriors sinagasaan ang Superchargers sa Game One

LARO BUKAS

(The Arena, San Juan City)

3 p.m. Big Chill vs NLEX (Game 2)

 

MANILA, Philippines - Ipinakitang muli ng mul­ti-titled na NLEX ang angas sa paglalaro nang kalusin ang Big Chill, 79-75,  sa Game One ng PBA D-League Aspirants’ Cup Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Sina Kevin Alas at Matt Ganuelas ang siyang sinandalan ng Road Warriors sa huling yugto para balewalain ang pananakot ng Superchargers at lu­mapit sa isang panalo pa­tungo sa pagsungkit sa ikalimang titulo sa liga.

“I’m pleased with the way the guys kept their poise when Big Chill rallied late in the game,” papuri ni NLEX head coach Boyet Fernandez.

Binuksan ng Road Warriors ang tagisan sa 23-8 at kampante pang na­kaangat ng 15 puntos, 65-50, nang binuhay ni Brian Heruela ang opensa ng Big Chill.

Dalawang triples ang kanyang binitiwan para pangunahan ang 15-3 bom­ba at dumikit ang tropa ni coach Robert Sison sa tatlo, 68-65.

Pero gumanti sina Alas at Ganuelas nang pag­saniban nila ang hu­ling 11 puntos ng NLEX.

Ang tres ni Alas sa hu­ling 38 segundo ang nag­tiyak ng panalo dahil lumobo ang bentahe sa walo, 78-70.

Si Alas ay may 17 pun­tos at 13 rito ay gina­wa niya sa second half, ha­bang si Ganuelas ay may 13.

Ang dalawa na kasapi ng National team na nanalo ng gintong medalya sa nakaraang 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar no­ong Disyem­bre, ay nag­hati rin sa 14 puntos sa huling 10 minuto ng laro.

“Kevin is already ripe for the PBA. His 3-point shot late in the game was huge. Matthew also played well,” dagdag pa ni Fernandez kay Alas, anak ni dating PBA mentor Louie Alas.

Nagbigay ng puwersa sa gitna si 6-foot-8 import Ola Adeogun sa kanyang 10 puntos at 12 rebounds.

Si Jake Pascual ay nagdagdag ng 11 puntos at 9 rebounds.

Tumapos naman si He­ruela bit­bit ang 12 pun­tos, habang si Reil Cer­vantes ay may 17 para sa kabiguan ng Big Chill.

Pero ang ibang inaa­sa­han sa Superchargers ay nadepensahan pa­ra ka­pusin sila ng suporta. 

NLEX 79 - Alas 17, Ganuelas 13, Pascu­al J. 11, Adeogun 10, Pas­cual R. 9, Dela Cruz 6, Dela Rosa 4, Lanete 4, Raymundo 3, Long 2, Hermida 0.

Big Chill 75 - Cervan­tes 17, Heruela 12, Baloria 9, Mirza 9, Brondial 9, Villahermosa 7, Apinan 6, Canlas 3, Maiquez 3, Belleza 0, Santos 0, Lozada 0.

Quarterscores: 20-8; 41-30; 58-46; 79-75.

Show comments