NLEX at Big Chill mag-uunahan sa 1-0 lead

LARO NGAYON

(Smart Araneta Coliseum)

1 p.m. NLEX vs Big Chill

 

MANILA, Philippines - Sisimulan ng NLEX ang pagtahak patungo sa pag­tikim uli ng kampeo­nato sa pagharap sa Big Chill sa Game One ng PBA D-League Aspirants’ Cup Finals ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ganap  na ala-1 ng hapon magsisimula ang best-of-three championship series ng dalawang de­terminadong koponan.

Pakay ng Road Warriors na maisantabi ang ka­biguang sinapit sa kamay ng Blackwater Elite sa Foundation Cup para maipagkaloob sa prangki­sa ang ika-limang korona sa anim na beses na pag­pa­sok sa Fi­nals.

“This is a motivation conference for us,” wika ni NLEX mentor Boyet Fer­nandez.

Sa kabilang banda, na­is ng Superchargers na ma­ging ikalawang sunod na koponan na tumalo sa NLEX patungo sa kauna-unahang titulo sa liga.

Pumasok ang tropa ni coach Robert Sison sa Finals noong 2011-12 Foundation Cup pero natalo sila sa Road Warriors.

Si Garvo Lanete ang aasahan sa pagbuslo pero ma­halagang papel ang ga­gampanan ni 6-foot-8 import Ola Adeogun da­hil kailangan niyang do­minahin ang ilalim para tu­mibay ang laban ng Road Warriors.

Aminado si Big Chill coach Robert Sison na dehado sila lalo pa at nata­lo rin sila sa NLEX sa elimination round, 97-88.

“Our players are wil­ling to make sacrifices to help this team. It will still be a tough mountain to climb. But nothing is im­possible,” pahayag ni Sison.

 

Show comments