Tipical lamang sa trade deadlines na may koponang mayaman na ay makakalamang pa at may mahihinang team na malulugi pa. Narito ang mga koponang nakinabang ng husto at nalugi matapos ang NBA trade deadline.
WINNERS
Indiana Pacers
 - naka-homerun ang Indiana matapos makuha sa trade deadline si shooting guard Evan Turner kasama si center Lavoy Allen mula sa Philadelphia kapalit ng may injury na si Danny Granger. Umaasa ang Pacers na si Turner, kikita ng $6.6 million sa final year ng kanyang contract, ang makakatulong para malusutan nila ang reigning champion Miami Heat sa East.
Andre Miller
 -wala nang interest si Miller na maki-pag-ayos sa Denver Nuggets matapos makasagutan ang first-year coach na si Brian Shaw. Napunta si Miller sa East team na may kakayahang makarating sa postseason—ang Washington Wizards.
Golden State Warriors - matagal na silang naghahanap ng backup point guard para kay All-Star Stephen Curry matapos mawala si Jarrett Jack. Bigo ang Jordan Crawford experiment ngunit naremedyuhan na ito ng Warriors sa pagdating ng tunay na point guard na si Steve Blake mula sa Los Angeles Lakers kapalit ng dalawang bench-warming guards na sina MarShon Brooks at Kent Bazemore.
Denver Nuggets
- Hindi na lihim sa lahat na kailangang i-trade ng Nuggets si Miller. Napunan nila ang pagkawala ni Miller at point guard Nate Robinson sa pagkuha sa up-tempo point guard na si Aaron Brooks mula sa Houston Rockets kapalit ni small forward Jordan Hamilton. Nakuha rin ng Nuggets ang wala pang napapatunayan ngunit nakakaintrigang si small forward Jan Vesely mula sa Washington kapalit ni Miller.
Charlotte Bobcats
 - Nadagdagan ng Charlotte ang kanilang tsansang sumulong sa postseason sa pagkuha kay shooting guard Gary Neal at veteran point guard Luke Ridnour kapalit nina point guard Ramon Sessions at forward Jeff Adrien. Nangangailangan ang Charlotte ng perimeter shooter matapos mag-struggle si Sessions at ang pagdating ni Neal ang solusyon dito. Si Ridnour ay karagdagang lehitimong point guard sa kanilang bench.
LOSERS
New York Knicks – Sinabi ni Carmelo Anthony na interesado siyang pumirma uli sa Knicks basta may plano para muli silang maging title contender. Ngunit walang ginawang trade ang Knicks para ma-impress si Anthony at sa katunayan, may balitang kukunin sana ng Knicks sina point guard Darren Collison at forward Matt Barnes kapalit nina point guard Raymond Felton at shooting guard Iman Shumpert ngunit hindi ito nangyari.
Pau Gasol - 
Lagi na lang nababanggit ang pangalan ni forward-center Pau Gasol sa trade talks na nagsimula, ilang taon na ang nakakaraan. Nasangkot pa ito sa Chris Paul deal sa Houston. Nasa trading block na naman si Gasol bago ang deadline. Pabor sana kay Gasol kung na-trade siya dahil masama ang record ngayon ng Lakers na hindi nakakaasa sa injured na si Kobe Bryant. Nakakuha rin sana ng asset ang Lakers kapalit ni Gasol.
Mike Brown – Ginulat ni interim Cleveland Cavaliers general manager David Griffin ang lahat sa surprise trade kung saan nakuha niya si forward-center Spencer Hawes mula sa Philadelphia 76ers kapalit nina Ear Clark at center Henry Sims. Ang Cavs ay mayroon ngayong mahabang listahan ng big men na kinabibilangan nina Hawes, Tristan Thompson, Anderson Varejao, Tyler Zeller at rookie Anthony Bennett. Good luck kay Brown kung paano niya hahatiin ang oras para sa mga ito.
Sam Hinkie
 - Malay natin, baka ang bagong general manager ng Sixers ay may master plan. Pinataas ni Hinkie ang mga kilay nang kanyang kunin sa draft ang may injury na si Nerlens Noel bago i-trade si 2013 All-Star guard Jrue Holiday. Ngunit nagkaroon si Hinkie ng benefit of the doubt sa pagda-draft sa may potensiyal na maging Rookie of the Year na si Michael Carter-Williams. Ngunit nitong trade deadline, ipinamigay ni Hinkie ang starter na si Turner sa East-leading Pacers kapalit ni Granger. Na-trade rin ni Hinkie si Hawes sa Cleveland para sa dalawang role players. Nakuha rin ng Sixers si struggling point guard Eric Maynor na may isang taon pa sa kanyang kontrata at napakarami nilang second-round picks.