Pinag-uusapan ngayon ang figure skater na si Michael Christian Martinez.
Pang-19 lamang ang tinapos ni Martinez sa kanyang event ngunit higit dito ang tingin sa kanya ng marami.
Napakahalaga ng pagku-qualify ni Martinez sa Winter Olympics sa Philippine Sports.
Gumawa ng kasaysayan si Martinez bilang kauna-unahang Pinoy na nakalahok sa Winter Olympics. At siya ang pinakabatang lumahok sa kompetisyon sa edad na 17.
Hindi naman siya inasahang makapag-uwi ng gintong medalya ngunit ang makapag-perform ang isang Pinoy sa Iceberg Skating Palace sa Sochi Russia ay isang proud moment para sa mga Pinoy.
Mababa ang score na 64.81 na nakuha ni Martinez sa short skate sa tono ng “Romeo and Juliet†at ang 119.44 sa free skate routine sa tono ng “Malagueña†para sa kabuuang 184.25 puntos ngunit hindi na ito mahalaga.
Sa loob ng dalawang araw na paglaban ni Martinez, namulat ang mga Pinoy sa mundo ng figure skating at maaaring sa Winter Olympics na rin.
Natutunan ng marami ang mga katagang “triple Axel jump.â€
Pumukaw si Martinez ng atensiyon hindi lamang sa kompetisyon, hindi lamang dito sa Pinas kungdi sa buong mundo.
Sino ang mag-aakalang may magku-qualify na atleta mula sa bansang mainit palagi ang panahon sa kompetisyong puro mga laro sa niyebe ang paglalabanan?
Alalahanin natin na si Michael ay isang junior skater pa lamang at nag-qualify na sa Winter Olympics na napakahirap gawin.
Alam natin na mayroon tayong pag-asa kay Martinez na magbigay ng karangalan sa bansa.
‘Yan ay kung mabibigyan siya ng tamang suporta lalo na sa pinansiyal na aspeto dahil ang kanyang sport ay magastos na sport.
Umaasa ang marami kay Martinez.