Up and Away, Dixie Gold nalo sa 2nd leg ng Philracom 3YO Local Fillies/Colts stakes

MANILA, Philippines - Binigo ng Up And Away ang hangaring ikalawang stakes win ng Bahay Toro habang ang Dixie Gold ang nangi-babaw sa kanyang hanay sa idinaos na 2nd leg ng Philracom 3YO Local Fillies/Colts sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang dalawang karera ay inilagay sa 1,600-metro distansya at ang mga fillies ang nagsukatan noong Sabado na kung saan na-kabawi ang Up And Away sa pangalawang puwes-tong pagtatapos sa unang leg noong Enero 18 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Mahusay na ginabayan ni Dominador Borbe Jr. ang nanalong kabayo nang naisantabi ang pagtutulu-ngan ng coupled entries na Bahay Toro at That Is Mine para sungkitin din ang P300,000.00 premyo.

Naunang lumayo ang That Is Mine na hawak ni Jonathan Hernandez habang unti-unti ang karga ni Borbe sa sakay na kabayo.

Mula sa ikatlong puwesto ay humarurot ang Up And Away upang sa pagpasok ng far turn ay nangunguna na sa karerang sinalihan ng pitong kabayo.

Naubos ang That Is Mine pero pumalit ang 1st leg champion na Bahay Toro na hawak pa rin ni JB Guce at nakaremate para balewalain ang pagiging bugaw sa alisan.

Pero malakas pa ang Up And Away para iwanan ang dating kampeon ng halos limang dipa.

Ang winning time ay 1: 45 sa kuwartos na 26, 25’, 25, 28’ para maitala ang unang malaking panalo ng Up And Away, ang Philtobo Juvenile Fillies champion noong nakaraang taon.

Pumangalawa at pumangatlo ang Bahay Toro at That Is Mine upang ibigay sa connections ang P112,500.00 at P52,500.00 habang ang Love Na Love na dala ni Fernando Raquel Jr. ang pumang-apat at hinablot ang P25,000.00 premyo.

Ang labanan sa colts ay ginawa kahapon at hina-linhinan ng Dixie Gold sa pagdadala ni Mark Alvarez ang 1st leg champion na Low Profile na hindi sumali sa pagkakataong ito,  nang talunin sa dikitang labanan ang King Bull ni Jonathan Hernandez.

May 1:45.2 winning time ang kabayo sa kuwartos na 27’, 24’, 25, 28’ at naibulsa rin para sa winning connections ang P300,000.00 gantimpala na handog ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Show comments