MANILA, Philippines - Pagtitiwala sa manlalarong mapipili para sa gagawing 2014 PLDT Home Fibr Asian Men’s Club Volleyball Cham-pionship ang hiling ni coach Francis Vicente lalo pa’t mabibigat na bansa ang kanilang babanggain sa kompetisyong itinakda mula Abril 8 hanggang 16.
Pumalo sa 18 bansa ang magtatagisan at ito na ang pinakamarami sa kasaysayan ng kompetis-yong may basbas ng international body na FIVB at Asian Volleyball Confederation (AVC).
Ito rin ang unang pagkakataon na sasali ang Pilipinas at nangyari ito dahil ibinigay sa bansa ang karapatang itaguyod ang kompetisyon matapos ang pagtanggi ng Vietnam.
“Hindi ko sasabihin na hindi natin kaya. Confident ako na Filipinos are one of the best sa volleyball. Ang kailangan lamang ay tiwala ang ibigay natin sa mga manlalarong bubuo sa team,†wika ni Vicente sa pulong pambalitaan na isinabay sa drawing of lots kahapon sa New World Hotel sa Makati City.
May 30 manlalaro ang sinasanay ni Vicente at ang final 18 ay papa-ngangalanan sa Marso na mabibigyan din ng pagkakataong magsanay sa Incheon Korea mula Marso 23 hanggang Abril 3.
Si AVC Vice President Shanrit Wongprasert ng Thailand ang nanguna sa pagsasagawa ng bolahan sa groupings kasama si Ramon ‘Tats’ Suzara ng AVC Development and Marketing Committee at ang Pilipinas ay inilagay sa Pool A kasama ang Iraq na pumangpito sa 2013 edisyon.
Nabunot naman ang Kuwait at Mongolia para makumpleto ang grupo.
Ang nagdedepensang kampeon na Iran at pumang-anim na Japan ay magkasama sa Pool B kabilang ang Lebanon at Vietnam habang nasa Pool C ay ang Qatar, Kazakhstan Oman, Hong Kong at Turkmenistan. Ang Chinese Taipei, China, United Arab Emirates, India at Papua New Gui-nea ang magkakasama sa Pool D.
Sina Sportscore chairman Philip Ella Juico, PLDT Vice President Gary Dujali at pangulo ng Philippine Volleyball Federation (PVF) na siKarl Chan ay sumaksi rin sa kaganapan bukod pa sa mga kinatawan ng Embahada ng Iran, Iraq, Kuwait, Lebanon, India, Vietnam at United Arab Emirates.
Bilang host ay binigyan ang Pinas ng karapatan na mamili ng unang kalaban at nagdesisyon sina Vicente at ang pamunuan ng PVF na piliin ang Mongolia na unang laro sa Abril 8.
Pahinga ang koponan sa sumunod na araw bago harapin ang Iraq sa Abril 10 at Kuwait sa Abril 11.
Ang tatanghaling kampeon sa torneong ito ang kakatawan sa Asya sa World Men’s Club Volleyball Championship mula Mayo 6 hanggang 11 sa Brazil. (AT)