DETROIT – Biglaan ang pagsibak ng Detroit kay coach Maurice Cheeks nitong Linggo, wala pang isang taon habang hindi maganda ang tinatakbo ng koponan sa likod ng kanilang mga offseason trades para palakasin ang team.
.Ang Detroit na may 21-29 record bagama’t may tsansa pa rin ang koponan na makapasok sa playoffs sa Eastern Conference, ay hindi naging consistent sa kanilang performance.
“This was a difficult decision for the organization to make but we needed to make a change,†sabi ni team president Joe Dumars sa statement. “We have great res-pect for Maurice and appreciate his hard work.â€
Ayon sa taong may alam ukol sa plano ng Detroit, si assistant John Loyer ang tatayong interim coach.
Hindi pa nakakapasok ang Pistons sa playoffs sapul nang ma-sweep sa first round noong 2009 sa tanging season ni Michael Curry bilang coach.
Mula noon, ang Detroit ay hinawakan ng dalawang season ni John Kuester at dalawa din kay Lawrence Frank.
At walang nakapag-angat sa dalawang ito sa Detroit kaya kinuha si Cheeks bilang ika-9 na coach ng koponan.