Gibson pinagmulta ng $25K

Pinagmulta si Chicago Bulls forward Taj Gibson ng $25,000 dahil sa pagmumura sa game official, ayon sa pahayag ni Stu Jackson, ang NBA Executive Vice President Basketball Operations.

Nangyari ang insidente, 10:13 minuto ang natitira sa fourth quarter ng  115-78 pagkatalo ng Chicago nitong Miyerkules.

Matapos ang foul ni Bulls point guard Marquis Teague kay Ray Allen, may 10:13 minuto ang natitira sa laro, pumasok si Joakim Noah sa loob ng court para kuwestiyunin ang tawag na nagresulta ng kanyang ikalawang technical foul.

Habang nasa free-throw line si Allen, patuloy sa pagrereklamo si Gibson na dahilan para bigyan siya ng ikalawang technical foul.

Show comments