FEU, Adamson spikers tabla sa No. 4 spot

MANILA, Philippines - Uminit pa ang bakbakan para sa ikaapat at huling puwesto patungong Final Four sa UAAP wo-men’s volleyball nang tinalo ng Adamson ang FEU, 25-15, 17-25, 25-17,25-23, kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tatlong manlalaro ng Lady Falcons sa pa-ngunguna ni Shiela Marie Pineda na may 20 hits ang may doble-pigura sa labanan upang magtabla ngayon ang dalawang koponan sa 6-6 karta.

May 18 kills si Pineda habang 10 spikes ang ibi-nigay ni Marleen Cortel na tumapos sa 12 puntos at ang Lady Falcons ay nagdomina sa nasabing departamento, 48-31 at maisantabi ang lakas ng FEU sa blocking, 14-7.

May dalawang laro pa ang magkabilang koponan at kung magtabla pa rin ay sasalang sila sa playoff.

Samantala, inangkin ng National University ang ikalawa at huling twice-to-beat advantage nang iuwi ang 25-17, 26-24, 25-13, pananaig sa UP.

Ito ang ikasiyam na sunod na panalo ng Lady Bulldogs para iangat ang baraha sa 11-1 at samahan ang La Salle na twice-to-beat na sa Final Four. (AT)

Show comments