MANILA, Philippines - Dahil sa ‘dirty finger’ ay pinatawan ng P100,000.00 multa at one game suspension si Rain or Shine coach Yeng Guiao.
Pinapunta ni PBA commissioner Atty. Chito Salud si Guiao sa kanyang tanggapan kahapon upang pagpaliwanagin sa ginawang aksyon sa Game Three nang ilabas ang di magandang sen-yales ng kamay patungo sa kinalulugaran ng commissioner at technical committee.
“Following this morning’s meeting with Coach Yeng Guiao regarding the use of a dirty finger pointed toward the commissioner’s and tech committee table, this Office hereby metes out on Coach Guiao the penalty of one (1) game suspension and a fine of one hundred thousand pesos (Php 100,000.00) for persistent conduct unbecoming of a coach,†wika ng statement ni Salud.
Mabigat ang ipinataw na kaparusahan kay Guiao dahil umano sa paulit-ulit na niyang ginagawa ito na patunay ng kawalan niya ng respeto sa liga bilang isang institusyon at sa mga panatiko ng PBA.
“I would like to state unequivocally that this disciplinary sanction cannot fully convey the sense of regret of this Office for the insulting and unsavory antics Coach Guiao continues to display and foist on the players, the referees, his peers and the entire viewing public of the PBA, especially the youth, despite repeated well-meaning advice and counsel from this Office in the past,†dagdag ni Salud.
Napatalsik sa laro si Guiao sa Games Three at Four sa best-of-seven semis series ng ROS at Petron Blaze Booster matapos tawagan ng dalawang technical fouls mula sa aksyon na pagpapahayag ng pagkadismaya sa mga tawag ng referees.
Nagulat si Guiao sa desisyon na siya ay suspindihin sa Game Five lalo pa’t mahalagang laro ito sa kanyang koponan dahil ang makukuhang panalo bukas ang magpapasok sa Elasto Painters sa Finals.
Hiniling din niya na sana ay pagtuunan din ni Salud ang kanyang hinaing sa mga refe-rees na may obligasyon din sa liga at sa mga manonood.
Mainit ang dugo ni Guiao na kinatawan din ng 1st District ng Pampanga dahil ramdam niya na pinababayaan ng mga referees na saktan ng Boosters ang kanyang mga players.
Si Jervy Cruz ay nabalian ng ilong sa hu-ling laro matapos masapul ng kamao ni Alex Cabagnot, ngunit regular foul lang ang itinawag ng mga referees sa halip na flagrant foul. (AT)