MANILA, Philippines - Maningning na pagtatapos ang naitala ni Dennis Orcollo sa paglahok sa 2014 Derby City Classic na ginawa sa Horseshoe Southern Indiana, Elizabeth, Indiana nang siya ang kinilala sa prestihiyosong Master of the Table.
Nakisalo lamang ang 35-anyos na si Orcollo sa ikaapat na puwesto sa hu-ling event na pinag-laba-nan na 9-Ball Classic ngunit sapat na ang naipakita sa naunang mga laro para ibulsa ang titulo at ang $20,000.00 premyo.
Para maging pinakamahusay na pool player sa torneo, si Orcollo ay nanalo ng dalawang titulo na 9-Ball Banks at 14-1 Challenge bukod pa sa paglapag sa ikaapat na puwesto sa One Pocket.
Tinalo ni Orcollo ang kababayang si Francisco Bustamante sa 9-Ball Banks bago pinataob si Konstantin Stepanov ng Russia, 125-36, sa 14.1 Challenge. Nagkahalaga ang mga panalong ito ng $10,000.00 at $3,000.00.
May naiuwi pa si Orcollo na $2,850.00 sa 9-Ball Classic at $2,200.00 sa One Pocket para sa nangungunang $38,050.00 gantimpala.
Si Van Boening ang nagkampeon sa 9-Ball Classic para maisunod ito sa pagdodomina sa Big Foot 10-ball Challenge upang magkamal ng kabuuang $32,000.00 premyo.
Pero malamya ang ipinakita ng US player sa One Pocket at 9-Ball Banks nang tumapos lamang sa 8th at 11th place para pumangalawa kay Orcollo sa karera sa Master of the Table.
Si Efren “Bata†Reyes na kinuha ang ikaanim na One Pocket title tungo sa $12,000.00 ang puma-ngatlo sa karera.
Ito ang kauna-unahang Master of Table title ni Orcollo at hinalinhinan niya si Bustamante na siyang ginawaran ng ganitong titulo noong nakaraang taon.