Naging mainit ang kabayong Hot And Spicy

MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng Hot And Spicy ang gina­wang pagdikta sa pace ng karera para hugandong na­nalo sa nilahukang ka­rera noong Sabado sa Met­ro Turf sa Malvar, Ba­tangas.

Si Fernando Raquel, Jr. ang hinete ng kabayo at walang epekto sa kondis­yon na Hot And Spicy ang ipinataw na mabigat na handicap weight na 57 kilos  matapos ang bande­rang-tapos na panalo sa isang milyang karera.

Ang Divine Eagle na may kaparehong handicap weight ng nanalong ka­bayo at diniskartehan ni Kevin Abobo ang siyang nakasabayan ng Hot And Spicy,.

Ngunit kahit anong ga­win ng tambalan ay hindi sila lumusot sa nanalong kabayo.

Sa rekta ay halos magkasabay na ang dalawang nasabing kabayo.

Pero ilang hagupit ni Ra­quel sa ka­bayo ang nag­tulak para ku­marga pa ang Hot And Spicy tungo sa dalawang dipang pana­lo.

Nagpasok ang win ng P5.50, habang P18.00 ang ibinigay sa 2-5 forecast.

Kasamang kuminang sa unang araw ng pista sa buwan ng Pebrero na gi­nawa sa bakuran ng Metro Turf Club ay ang Red Dra­gon at Nemesis.

Pinagharian ng dalawang kabayo ang Maiden ra­ces na sinahu­gan ng P10,000.00 prem­yo sa na­nalo ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Wala ring nakasabay sa mainit na pagtakbo ng Red Dragon na sakay si Jonathan Hernandez para iwa­nan ng halos walong dipa ang mga kalaban sa 1,200-metro distansyang karera.

Umabot sa P11.00 ang dibidendo sa win, habang P30.50 ang ipinamahagi sa 8-2 forecast.

Hindi binitiwan ng Ne­mesis mula sa pagdis­kar­te ni CJ Reyes ang bal­ya para sa panalo sa 3YO and Above Maiden race sa 1,200m.

Ang Oxygen na gi­na­bayan ni JB Cordero ang nagtangkang lumutsa sa Nemesis.

Ngunit ang nasabing ka­­bayo ang naubusan ng ha­­ngin sa huling 100m pa­ra ibigay ang panalo sa tatlong taong kabayo.

Umabot pa sa P12.50 ang ibinigay sa win.

Ang 1-7 sa forecast ay naghatid ng P37.50 dibidendo.

 

Show comments