Boosters nais tumabla sa Elasto Painters ngayon Mixers kinuha ang 2-1 bentahe

MANILA, Philippines - Binuhay ng mga guards ng San Mig Coffee ang koponan para angki­nin ang 97-89 panalo sa Barangay Ginebra at ku­nin ang 2-1 bentahe sa ka­nilang PLDT-MyDSL PBA Philippine Cup se­mifinals series kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang beteranong si Mark Barroca at rookie Jus­tin Melton ang nagtulong matapos tapyasan ng Gin Kings ang sampung puntos na kalamangan ng Mixers tungo sa tatlo pa­ra agad na makabangon mu­la sa 64-93 pagkadurog sa Game Two.

“We deserved to have a good game. Our last game was a blowout. The guys showed a lot of cha­racter coming out strong and down the stretch, we good great contributions from the other players,” wi­ka ni San Mig Coffee coach Tim Cone.

Lumayo ang koponan sa 20-6 pero sa likod ni Greg Slaughter ay naka­bawi ang Ginebra at nakuha pa ang 47-46 kalamangan sa halftime.

Ang buslo ni Jayjay Hel­terbrand ang nagbigay sa Gin Kings ng 66-62 abante, ngunit may apat na puntos si Barroca, habang  kumawala ng triple ni Melton para iangat ang San Mig Coffee, 71-68.

Gumawa ng tig-isang tres sina PJ Simon at Joe Devance para sa 83-73 bentahe nang bumalikwas ang Gin Kings nang makalapit sa tatlo, 83-80.

Samantala, pagsisika­pan ngayong alas-8 ng ga­bi ng Petron Blaze na maulit ang nag-aalab na paglala­ro sa Game Three para maitabla ang serye nila ng Rain or Shine sa Smart Araneta Coliseum.

Lumayo kaagad ang Boosters sa unang yugto at napanatili ng koponan ang maagang pagpapasikat patungo sa 106-73 de­molisyon sa Elasto Pain­­ters sa Game Three para makalapit sa serye, 1-2.

 

 

Show comments