MANILA, Philippines - Dalawang three-year old maiden races na sinaÂhuÂgan ng tig-P10,000.00 added prizes sa mananalong kabayo ang magpaÂpaÂsigla sa pagsisimula sa dalawang araw na pista sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.
Una rito ang 3-YO Maiden race sa race three na paglalabanan sa 10 kabayo, kasama ang isang coupled entry, sa 1,200-meter race.
Ang mga kasali ay ang Security Wisdom, My Priviledge, Cabezera, Pearl Bull, Great Walda, MasÂquerade at Fly Me To The Moon, Sharp Look, Red Dragon at Binirayan.
Ang Security Wisdom ang pinatawan ng piÂnakamagaan na handicap weight na 49-kilos, habang ang mga inaasahang maÂgiging palaban ay ang Red Dragon, My Prividege, Pearl Bull na gagabayan nina JB Hernandez, JB Guce at AR Villegas.
May siyam na kabayo naman ang nakatala sa isa pang Philracom-sponsored race na bukas hindi lamang para sa mga edad na tatlong taon gulang kundi higit pa na inilagay din sa 1,200m distansya.
Ang mga kasali ay ang Nemesis, Scotch And SoÂda, Moriones, Hansel,. HanÂdog at Maligalig, EluÂsive Ride, Oxygen at FreaÂky.
Sa talaang ito, ang Scotch And Soda na gagabayan ni Val Dilema ang natatanging kabayo na edad apat na taon, habang ang iba ay mga 3-year old horses.
Ipinalalagay na nasa konÂdisyon ang mga kaÂbayong Hansel, Handog at Elusive Ride pero ang iba ay tiyak na palaban din para makuha ang gantimpalang nakataya.
May 12 karera ang naÂkaprograma sa hapong ito at isa rin sa tututukan ay ang Special Handicap Race 10 na inilagay sa isang milya. (ATan)