Walong karera inihanda para sa dalawang araw na aksyon sa San Lazaro

MANILA, Philippines - Walong karera ang  mag­papasigla sa pagbu­bu­kas ng dalawang araw na tagisan ng mahuhusay na pangarerang kabayo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite nga­yong gabi.

Ang paglalaban sa race eight ang isa sa mga tututukan dahil  isa itong special class division race sa 1,500-metro distansya.

Siyam na kabayo ang magsusukatan dito kasama ang Triple Crown leg winner Hari Ng Yambo na gagabayan ni JPA Guce.

Inaasahang mapapalaban ang tambalang ito da­­hil bukod sa pinatawan ang kabayo ng 58-kilos handicap weight ay ma­bibigat din ang walong iba pang katunggali.

Kasali sa karera ang subok nang Coal Harbour ni JB Guce bukod pa sa Life Is Beautiful ni CV Garganta. Ang dalawang kabayo ay binigyan din ng mabibigat na handicap weights na 57 at 58 kilos.

Ang iba pang kasali ay ang Viktoria (P Dilema), Mar­ket Value (JL Paano), Porcher (AG Avila), Head­line Chaser (RK Hi­polito), Shoemaker (RC Ta­bor) at Airbender (EG Re­yes).

Sisimulan ang karera ng isang class division 1B race at may 11 kabayo ang maglalaban kasama ang isang coupled entries.

Ang Poetic Justice at coupled entry Ms. Bling Bling ay inaasahang palaban din lalo pa’t nanalo sa huling takbo ang Ms. Bling Bling na dala ni Fernando Raquel, Jr.

Isa rin sa inaasahang pag­lalabanan ng mainitan ay ang 3YO and above Maiden D race sa 1,400m distansya.

Sa race four ang mga kasali ay ang Director’s Ma­gic at coupled entry Di­rector’s Play, Maximum Velocity, Masskara at coupled entry Dinag­yang, Smart Winner, Bull­bar, Magical Bell, Mai­ngat, Red Pocket, Pa­pa Loves Mambo, Beat Them All, Handog at Zeal.

Siyam na karera naman ang paglalabanan bu­kas at tulad ng karera nga­yon ay balansiyadong binigyan ng handicap weights para matiyak na la­hat ay may tsansang ma­nalo.

Show comments