RodmaN pumasok sa Rehab center

MANILA, Philippines - Pumasok si Dennis Rodman sa isang alcohol rehabilitation center para maayos ang kanyang problema sa alcoholism, ayon sa kanyang agent.

Tumanggi si Darren Prince noong Sabado na sabihin kung saang rehab center pumasok si Rodman at kung gaano siya katagal dito.

Kababalik pa lamang ni Rodman sa United States mula sa kanyang pinakahuling pagbisita sa North Korea.

Humingi siya ng paumanhin dahil sa kanyang mga nasabi nang nasa North Korea tungkol sa nakakulong na American missionary. Sinabi niyang nakainom noon  siya at nape-pressure sa pag-o-organisa ng  exhibition game doon.

Kumanta rin siya ng ‘Happy Birthday’ kay North Korean leader Kim Jong Un bago magsimula ng friendly game.

“What was potentially a historic and monumental event turned into a nightmare for everyone concerned,’’ sabi ni Prince. “Dennis Rodman came back from North Korea in pretty rough shape emotionally. The pressure that was put on him to be a combination ‘super human’ political figure and ‘fixer’ got the better of him. He is embarrassed, saddened and remorseful for the anger and hurt his words have caused.’’

Show comments