Memphis wagi sa Atlanta

MEMPHIS – Umiskor si Mike Conley ng 21 points at 13 assists habang nagdagdag si Zach Randolph ng 18 points at 12 rebounds upang pamunuan ang Memphis Grizzlies sa 108-101 panalo kontra sa Atlanta Hawks.

Umiskor si Paul Millsap ng 21 points para sa Hawks na nagtala ng ikalawang sunod na panalo.

Ito ang ikatlong pagkakataon pa lamang na natalo ang Hawks sa Grizzlies sa huling 15 games.

Kumawala ang Memphis sa fourth quarter sa likod ni Conley, nagtala ng 31 puntos na tumabla sa kanyang career best sa panalo kontra sa  Phoenix Suns noong Biyernes.

Nagposte si Conley ng 8-points sa final quarter kabilang ang dalawang free-throws na nagbigay sa Grizzlies ng 102-92 kalamangan patungo sa 2:46 minuto ng laro.

Si Conley ay nag-a-average ng 26.3 points sa kanyang huling tatlong games -  isang overtime loss sa San Antonio at panalo kontra sa Phoenix at Atlanta.

 

Show comments