Suportado pa rin ng PSC si So

MANILA, Philippines - Kinilala ng Philippine Sports Commission (PSC) ang panalo ni GM Wesley So para manatili siya sa priority athletes na susuportahan ng ahensya.

Hindi nakasali si So sa idinaos na Myan≠≠≠≠mar SEA Games na agad dapat na nagtanggal sa kanya sa listahan.

Ngunit ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, mas malaking kompetis-yon ang Universiade na nilaro sa Kazan, Russia kaya’t hindi malalaglag si So sa talaan at tatanggap pa rin ng P40,000.00 ayuda.

“Buwenas si Wesley at nanalo siya sa Universiade na mas mataas sa SEA Games dahil world ito,” wika ni Garcia.

Nauna nang nakipag-usap ang ama ni Wesley kay Garcia na tiniyak din na hindi iiwan ang Pilipinas kapalit ng Canada na kung saan sila nakabase ngayon.

Si So ay isang chess scholar ng Webster University sa St. Louis.

Show comments