Ateneo, NU volleybelle gustong dumikit

Laro NGAYON

(The Arena, San Juan City)

8:30 a.m. – UE vs NU (Men)

10 a.m. – UP vs FEU (Men)

2 p.m. – UP vs NU (Women)

4 p.m. – UST vs Ateneo (Women)

 

MANILA, Philippines - Didikit uli ang Ateneo at National University sa malinis na La Salle sa pagpapatuloy ng 76th UAAP women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Lady Eagles ang UST sa tampok na laro dakong alas-4 habang ang Lady Bulldogs ay makikipagsukatan ang UP sa ganap na ika-2 ng hapon.

Magkasalo naman ang Ateneo at NU sa pa-ngalawang puwesto sa 4-1 baraha at kung magsipanalo pa ay didikit sa kalahating laro sa Lady Archers na may 5-0 baraha.

Ikalimang sunod na tagumpay din ang maibubulsa ng pumangalawa noong nakaraang season na Lady Eagles at magsisilbing momentum nila sa pagharap sa La Salle sa Linggo sa Mall of Asia Arena.

Sasalang muna ang koponan sa kalalakihan at aasintahin ng National University ang 6-0 baraha kontra sa UE sa ganap na ika-8:30 ng umaga at susundan  ng pagkikita ng FEU at UP dakong alas-10.

Show comments