Chris Paul 6-weeks mawawala

LOS ANGELES – Mawawala si Chris Paul sa line-up ng Los Angeles Clippers’ ng anim na linggo dahil sa injury sa balikat ngunit hindi na siya mangangailangan ng operasyon.

Ito ang pahayag ng Clippers noong Linggo matapos makita ang resulta ng MRI ni Paul na nagka-injury sa third quarter ng laban ng Clippers sa Dallas noong Biyernes nang mabangga siya kay Monta Ellis.

Si Paul ay nag-a-ave-rage ng 19.6 points,  NBA-best 11.2 assists at 4.6 rebounds para sa Pacific Division-leading Clippers na natalo sa San Antonio noong Sabado kung saan si Darren Collison ang kapalit niya bilang starter.

Ini-waive rin ng Clippers si point guard Maalik Wayns nitong Linggo.

Show comments