DALLAS -- Tatlo hanggang limang linggo ang iuupo ni Los Angeles Clippers guard Chris Paul matapos mabalian ng kanang balikat sa kanilang laro laban sa Dallas Mavericks.
Sinabi ni Clippers coach Doc Rivers na nagkahiwalay ang buto sa kanang balikat ni Paul na siya niyang shooÂting arm.
Nauna nang inihayag ng koponan na isa lamang sprain ang nasabing injury ni Paul.
Napatid si Paul ni Mavericks guard Monta Ellis habang nagdidribol sa gitna ng isang screen.
Bumaligtad siya at hinawakan ang kanyang kanang balikat at nanatili sa sahig bago siya sinaklolohan ng kanilang mga trainers.
Matapos mahiga ng ilang minuto ay dumiretso si Paul sa locker room sa 6:43 minuto pa sa third quarter.
Umiskor si Paul ng 19 points sa first half at isinalpak ang lahat niyang limang tira sa 3-point range.