MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang ika-38 sunod na panalo ang three-time defending champions na Adamson UniÂversity matapos taluÂnin ang National University, 12-2, sa UAAP woÂmen’s softball tournament kaÂhapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Umiskor ng tig-isang two-run homeruns sina AnÂnaÂlie Benjamen at AnÂÂgelie Ursubia para sa doÂminasyon ng Lady Falcons sa Lady Bulldogs.
Winalis ng Adamson ang NU, 2-0, sa kanilang best-of-three championship series noong Season 75.
Ito ang ika-38 sunod na arangkada ng San Marcelino-based team sapul noÂong 2010.
Kinuha ng Lady Falcons ang liderato sa bisa ng perpekto nilang 4-0 karÂtada, habang may 3-1 baÂraha ang Lady Bulldogs.
Ang two-run homer ni Benjamen ang naglayo sa Adamson sa 3-0 bago huÂmataw si Ursubia sa suÂmunod na inning para ibaÂon ang NU sa 8-0.
Nanaig naman ang UST laban sa La Salle, 11-3, para pantayan ang NU sa ikalawang puwesto (3-1) at ginulat ng Ateneo ang UP, 5-4.
Ito ang unang panalo ng Lady Eagles para sa 1-4 marka.