Marcial, ABAP pinarangalan ng ASBC

MANILA, Philippines - Inihayag kamakailan ng Asian Boxing Confe-deration ang conferment ng “Best Asian Youth Boxer of the Year” award kay PLDT-ABAP boxer Eumir Felix Marcial at “Best Asian Competition for 2013” award sa Asian Youth Championships na inorganisa ng ABAP noong March sa Subic Bay.

Pinarangalan si Marcial para sa kanyang performance sa Asian Youth Championships kung saan kumopo ito ng gold medal sa 64 kg. light-welterweight class. May tatlo pang Filipino boxers ang nanguna sa kanilang kategorya sa naturang competition: Jade Bornea (light-flyweight), Ian Clark Bautista (flywieght) at James Palicte (lightweight).

Ayon sa ASBC, dahil magdiriwang na si Marcial ng ika-18 kaarawan ngayong taon, puwede na siyang lumaban sa Asian Games na gagawin sa Incheon, South Korea.

Pinarangalan din ang ABAP sa pagho-host ng  Youth Championships sa Subic Bay noong March na nilahukan ng 24 bansa dahil sa kanilang well-organized tournament na nagkaroon ng “friendly and smiling competition.”

Pinasalamatan ni ABAP president Ricky Vargas, ang ASBC sa ibi-nigay na pagkilala at sinabi nitong, “Marcial is one of our prized discoveries from our grassroots development program and is one of those we are looking at to carry the torch for the country in future competitions.”

 

Show comments