MANILA, Philippines - Sa kabila ng hindi niya paglalaro sa nakaraang daÂlawang asignatura ng PetÂron Blaze ay nanatili sa unahan si sophomore cenÂter June Mar Fajardo sa labanan para sa Best PlaÂyer of the Conference troÂphy ng 2013-2014 PBA Philippine Cup.
Nagtala ang 6-foot-10 na si Fajardo, nagÂkaroon ng right knee injury, ng 43.5 statistical points (SPs) average sa likod ng kanÂyang mga averages na 17.3 rebounds, 15.5 points, 1.6 assists, 3.0 blocks at 0.4 steals para sa Boosters sa elimination round.
Noong nakaraang 2013 PBA season ay nagÂpaÂhinga si Fajardo matapos sumailalim sa isang groin surgery.
Dahil dito ay natalo siÂya kay Calvin Abueva ng Alaska para sa 2013 Rookie of the Year award.
Pumapangalawa naman sa Cebuano giant sa labanan para sa Best PlaÂyer of the Conference award si Barangay Ginebra forward Japeth Aguilar.
Nagposte ang 6’8 na si Aguilar ng 41.2 SPs buhat sa kanyang mga averages na 19.8 points, 9.5 boards, 3.8 blocks at 1.4 assists per game para sa kampanÂya ng Gin Kings.
Kasalukuyang nasa isang six-game winning streak ang Ginebra para haÂwakan ang liderato, habang nakabangon naman ang Petron matapos ang daÂlawang sunod na kabiguan mula nang maglista ng 7-0 record.
Kasunod nina Fajardo at Aguilar sina 2013 PBA MVP winner Arwind Santos (37.3 SPs) ng Petron, 2013 Philippine Cup BPC titleholder Jason Castro (37.0 SPs) ng Talk ‘N Text at Jay Washington (32.9 SPs).
Nagtala naman si seÂven-foot center Greg Slaughter ng Gin Kings ng 36.5 SPs para upuan ang No. 5 seat sa Best PlaÂyer of the Conference race.
Humakot si Slaughter ng mga averages na 15.4 points, 10.4 rebounds at 2.1 blocks para sa Ginebra.
Si Slaughter ang buÂmaÂbandera sa mga rooÂkies kasunod sina Terrence Romeo (23.8 SPs) ng Globalport, San Mig Coffee center Ian SangaÂlang (20.1 SPs), Rain or Shine slotman RayÂmond AlÂmazan (17.8 SPs), GloÂbalÂport guard RR Garcia (17.5 SPs), Globalport forward Justin Chua (14.6 SPs) at sina Jeric Teng (12.4 SPs) at Alex Nuyles (12.3 SPs) ng Rain or Shine.