Evans nagbida sa Pelicans

NEW ORLEANS -- Nagsalpak si Tyreke Evans ng isang pull-up jumper sa natitirang 1.2 segundo para itakas ang New Orleans Pelicans kontra sa Portland Trail Blazers, 110-108.

Bago ang naturang bas­ket ni Evans ay tumipa mu­na si Damian Lillard ng isang three-pointer para itab­la ang Blazers sa 108-108.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Pelicans sa kanilang balwarte.

Humugot si Jrue Holiday ng 15 sa kanyang season-high na 31 points sa fourth quarter at dinuplika ang season high na 13 assists para sa Pelicans.

Nagdagdag si Anthony Davis ng 27 points, 12 rebounds at 5 blocks, habang tumapos si Evans na may 20 points.

Pinuwersa ni Davis si LaMarcus Aldridge na tumira sa baseline sa hu­ling posesyon ng Portland na tumama sa itaas ng backboard sa pagtunog ng buzzer.

Umiskor si Lillard ng 29 points at may 28 si Aldridge para sa Portland (24-7) na nalasap ang kanilang ikalawang dikit na kabiguan.

Sa Denver, nagbalik si LeBron James sa line-up mu­la sa isang groin injury pa­ra mag­tala ng 26 points sa kanyang kaarawan at iha­tid ang Miami Heat sa 97-94 panalo kontra sa Den­ver Nuggets sa kabila ng pagkawala sa laro nina Dwyane Wade at Norris Cole.

Nagkaroon ng injury ang 29-anyos na si James sa overtime loss ng Miami sa Sacramento noong Martes.

Hindi siya naglaro sa 108-107 panalo ng Heat la­ban sa Portland Trail Bla­zers sa kanilang sumunod na laro.

Show comments