MANILA, Philippines - Paglalabanan ng 14 na edad dalawang taong gulang na kabayo ang taguri biÂlang pinakamahusay sa kanilang hanay sa paglarga ng 2013 Philracom Juvenile Championship ngaÂyong hapon sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.
Inaasahan na magiging kapanapanabik ang matutunghayang karera dahil sa pagÂsali ng mga kabayong naunang kuminang sa juvenile stakes races na naidaos na.
Ang mga magsusukatan sa isang milyang karera (1,600m) ay ang Barcelona (JB Guce) at coupled entry Mabsoy (AB Alcasid Jr.), Castle Cat (CV Garganta), Fairy Star (LD Balboa), Hello Patrick (P Dilema), High Grader (JB Bacaycay), Kid Molave (JB Hernandez), Kukurukuku PaÂloma (V Dilema), Love Na Love (JT Zarate), Matang TuÂbig (DG Fernandez), Mr. Bond (FM Raquel Jr.), Skyway (MA Alvarez), The Lady Wins (JB CordeÂro) at Up And Away (DH BorÂbe Jr.).
Ang mga mata ay tiyak na ipupukol sa mga kabaÂyong naunang nagpasiklab na tulad ng Mr. Bond, Kukurukuku Paloma, Matang Tubig, Up And Away, Skyway, at Kid Molave.
Pero hindi dapat kaliÂmuÂtan din ang ibang mga kalahok na tiyak na inihanda nang husto ng kanilang connections para makuha ang kampeonato sa huling stakes race ng taon at ang kaakibat na magandang premyo na inilaan ng nagÂtaÂtaguyod na Philippine RaÂcing Commission (Philracom).
May P2.5 milyon ang isinahog ng nagpapakarera at P1.5 milyon ang maÂpaÂpaÂsakamay ng may-ari ng magdodominang kabayo.
Ang magwawagi ay maitatalaga rin bilang paÂborito sa gaganaping maÂlalaking karera sa 3-year old sa 2014, tampok ang premyadong karera na Triple Crown Championship.
“The 2013 Philracom Juvenile Championship is a fitting major stakes race to end the exciting action in the MetroTurf,†ani MetroTurf Senior Vice President at Racing Manager RuÂdy Prado.
Nasa P562,500.00 ang maÂiuuwi ng papangalawa