Taulava, Cardona at Yeo nagbida Air21 nilusutan ang Globalport sa OT

MANILA, Philippines - Bumangon ang Express mula sa 17-point de­ficit sa second period para sa kanilang ikalawang panalo sa torneo.

Nagposte si Joseph Yeo ng triple-double, habang nagtuwang naman si­na Asi Taulava, Mac Car­dona at Niño ‘KG’ Ca­naleta sa overtime pa­ra akayin ang Air21 sa 109-103 tagumpay laban sa Globalport sa sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Nagtala si Cardona ng apat na puntos sa overtime, habang tumipa si Yeo ng dalawang mahalagang free throws at tumi­pa si Canaleta ng isang three-point shot para sa ika­lawang panalo ng Express sa torneo.

“Everybody’s playing well even if were down 15-17 we just didn’t quit,” sabi ni head coach Franz Pumaren. “It’s an improvement.”

Naglalaban pa ang Ba­rangay Ginebra at ang Pet­ron Blaze habang isi­nu­sulat ito.

Ang tres ni Canaleta ang naglagay sa Air21 sa 102-100 bentahe sa 1:21 ng overtime kasunod ang split ni Vic Manuel at da­lawang free throws ni Yeo para sa kanilang 105-100 kalamangan sa huling 45.5 segundo.

Huling nakadikit ang Glo­balport, nahulog sa ka­nilang ikalawang sunod na kamalasan, sa 103-105 agwat matapos ang three-point play ni Jay Wa­shington sa natitirang 36.6 se­gundo.

Umiskor si Cardona ng basket kasunod ang kan­yang dalawang charities para ilayo ang Air21, tinapos ang kanilang three-game losing slump, sa 109-103 sa huling 9.2 se­gundo.

Tumapos si Taulava na may team-high na 28 points kagaya ni Cardona.

“Asi Taulava, he really glued the team together,” sabi ni Pumaren. “Joseph Yeo has triple-double, and Mac gave us the lift and the energy.”

Naglista si Yeo ng triple-double mula sa kanyang 19 markers, 14 assists at 10 rebounds.

Pinangunahan ni Sol Mer­cado ang Globalport mu­­la sa kanyang game-high na 35 points kasunod ang 21 ni Washington at 16.

(Russell Cadayona)

Air21 109 - Taulava 28, Cardona 28, Yeo 19, Manuel 14, Canaleta 11, Camson 5, Jaime 2, Custodio 2, Menor 0, Arboleda 0, Sharma 0.

Globalport 103 - Mercado 35, Washington 21, Romeo 16, Salva 9, Lingganay 7, Menk 5, Salvador 4, Yee 2, Hayes 2, Garcia 2, Nabong 0, Chua 0.

Quarterscores: 21-32; 47-53; 70-66; 93-93; 109-103. (OT)

Show comments