NAY PYI TAW – Anim na taon ang ipiÂnaghintay ni Gilbert RaÂmirez para makabalik sa ibabaw sa kanyang event sa judo.
“Hindi din ako makapaniwala. Pati ako nagulat na kaya ko pa pala,†ani Ramirez isang araw matapos angkinin ang gold meÂdal sa men's -73-kilogram ng juÂdo competition sa 27th Southeast Asian Games.
“Pinilit ko talagang maÂnalo para sa judo. KaiÂlaÂngan namin ang mga gaÂnitong panalo para mabuhay ulit ang sport. Kaya ginawa ko lahat ng makakaya ko para makuha ang ginto,†dagdag pa nito.
Matapos dominahin ang kanyang event noong 2003 sa Hanoi at noong 2005 sa Manila SEA Games, ang 30-anyos na si Ramirez ang naging poÂÂtensyal na papalit kay leÂgendary judoka John Baylon.
Ngunit nagkaroon siya ng injury sa kanang tuhod ilang araw bago ang 2007 SEA Games sa Thailand kasunod ang kabiguan niÂya noong 2009 sa Laos at noong 2011 sa Indonesia SEA Games.
Akala niya ay katapusan na ng kanyang judo caÂreer.
Nagtiyaga si Ramirez, isang airman first class sa Philippine Army, para makabalik sa dati niyang porÂma.
Sumama siya sa traiÂning camp sa Japan dalawang buwan bago ang bienÂnial meet.
“Akala ko talaga tapos na ako,†ani Ramirez. “KaÂya nagsipag talaga ako sa ensayo namin.â€