Silver hated ng Perlas cagebelles

MANILA, Philippines - Gumana uli sina Camille Sambile at Cassy Tioseco para bitbitin ang National women’s team sa 80-31 panalo kontra sa Myanmar para sa silver medal sa pagtatapos ng wo-men’s basketball kahapon sa  27th SEA Games sa Zayar Thiri Indoor Stadim sa Nay Pyi Taw, Myanmar.

Sa ikatlong yugto lamang nakaiskor ang host team ng double-digit (10 puntos) upang katampukan ang matinding depensa na ginamit ng Nationals para tapusin ang kampanya bitbit ang 3-1.

Tinangka sana ng tropa ni coach Haydee Ong na makuha ang kauna-unahang SEA Games gold medal pero hindi nila kinaya ang hamon ng nagdedepensang kampeon na Thailand na humirit ng 75-36 panalo.

Kinumpleto ng Thais ang dominasyon sa limang bansang torneo nang kunin ang 66-52 panalo sa Indonesia tungo sa 4-0 sweep.

Ang UAAP MVP na si Sambile ay mayroong 22 puntos habang ang 6-footer na si Tioseco ay nag-ambag ng 13 at ang dalawa ay nagsanib sa 13 puntos sa unang yugto upang ibigay sa tropa ni coach Haydee Ong ang 21-8 kalamangan.

Naunang ibinigay ng men’s team ang ginto sa kanilang dibisyon sa pamamagitan ng 6-0 sweep.

Show comments