Perlas Pilipinas nakalapit sa silver

NAY PYI TAW – Umiskor si Cassy Tioseco ng 12 points off-the-bench habang nagdagdag si Camille Sambile ng 11 nang igupo ng Perlas Pilipinas ang Indonesia, 55-45 upang makalapit sa silver medal sa 27th SEA Games basketball competitions sa Zayar Thiri Indoor Stadium.

Nagtala ang starting center na si Analyn Almazan ng eight points at gamehigh na nine rebounds, ngunit nilimitahan ng mga Pinay ang kanilang mga kalaban sa 5-points sa fourth quarter para makawala sa dikitang labanan.

Nakabawi ang Perlas sa 36-75 pagkatalo sa Thailand noong Martes at ang panalo sa Myanmar ngayon ang magkakaloob sa kanila ng silver medal.

 

Show comments