Tuloy ang arangkada ng Petron

MANILA, Philippines - Wala pa ring nakaka­pigil sa arangkada ng Boosters.

Kumolekta si 6-foot-10 June Mar Fajardo ng 12 points, 19 rebounds at 3 shotblocks para tulu­ngan ang Petron Blaze sa 77-73 paggiba laban sa Me­ralco para patuloy na pa­ngunahan ang 2013-2014 PBA Philippine Cup kahapon sa Dipolog City Sports Complex.

Umiskor ng 17 mar­kers si Fil-Am point guard Alex Cabagnot para ban­derahan ang Boosters ka­sunod ang 16 ni Marcio La­ssiter at 14 ni 2013 PBA Most Valuable Pla­yer Arwind Santos.

Sina Cabagnot at Lassiter ang inasahan ni head coach Gee Abanilla sa se­cond half matapos pagtu­lungan sa depensa ng Bolts si Fajardo.

Mula sa 48-50 agwat ay ipinoste ng Petron ang isang 18-point lead, 73-57, sa fourth quarter.

Huling nakadikit ang Me­ralco sa 73-77 galing sa basket ni John Wilson sa natitirang 41 segundo.

Pinamunuan nina Wilson at Gary David ang Bolts mula sa kanilang tig-16 points kasunod ang tig-13 nina Reynel Hug­natan at Rabeh Al-Hussaini.

Nag-ambag si Jared Dillinger ng 8 points para sa Meralco na nagmula sa 72-64 pagresbak sa San Mig Coffee noong Miyerkules. (RCadayona)

Petron 77  -  Cabagnot 17, Lassiter 16, Santos 14, Fajardo 12, Kramer 7, Ross 6, Lanete 3, Lutz 2. 

Meralco  73  -  Wilson 16, David 16, Hugnatan 13, Al-Hussaini 13, Dillinger 8, Cortez 3, Caram 2, Sena 2, Allado 0, Timberlake 0, Guevarra 0, Salvacion 0.

Quarterscores: 17-18; 34-37; 64-53; 77-73. 

 

Show comments