NAY PYI TAW – NoÂong 2011 ay muntik nang maiuwi ni Archand Christian Bagsit ang gintong medalya sa men’s 400-meter run sa Southeast Asian Games sa IndoÂnesia.
Ngayon, naniniwala si Philippine athletics team leader Luisito Arciaga na ito na ang poÂsibÂleng pagkakataon ni BagÂsit para maghari sa kanyang event sa pagsiÂsimula ng athletics sa Wunna Theikdi Stadium.
“Malaki na in-improve ni Bagsit since Indonesia,†wika ni Arciaga kay BagÂsit.
“Ngayon isa siya sa mga pinakamalaki ang tsanÂsa dito at kung may haÂlong nerbiyos iyung first time niya, ngayon waÂla na,†dagdag pa nito.
Nagtala ang noon ay 20-anyos na si Bagsit ng oras na 47.71 segundo sa ilalim ng 47.53 ng gold medalist na si Heru Astriyanto ng Indonesia.
Sasabak naman ang iba pang Filipino athletes sa men’s long jump at hamÂmer throw at woÂmen’s pole vault.