James, Durant nangunguna sa NBA All Star Balloting

NEW YORK – Nanguna sina LeBron James ng Mia-mi Heat at Paul George ng Indiana Pacers sa botohan para sa All Stars bilang kinatawan ng Eastern Conference, habang sina Kevin Durant ng Oklahoma City Thunder at Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers ang bumandera para sa Western Conference matapos ang unang bilangan ng NBA All-Star Balloting 2014.

Si James, ang reigning Kia NBA MVP at Finals MVP, ang overall leader sa kanyang 609,336 votes, habang si Durant ay pumapangalawa sa 607,407 votes.

Ang 63rd NBA All-Star Game ay gaganapin sa New Orleans Arena sa Feb. 16, 2014.

Show comments