Hindi solusyon ang pagba-ban ng larong boksing-- Garcia

MANILA, Philippines - Hindi makakatulong ang pagba-ban sa larongboxing para matigil ang mga aksidente sa ring na nagreresulta sa pagkaka-comatose ng isang batang manlalaro.

“Accidents happen,” wika ni PSC chairman Ricardo Garcia. “It’s like if you die in a car accident, you ban cars? Banning is not the answer.”

Ang 16-anyos tubong San Miguel, Bulacan na si Jonas Joshua Garcia ay na-comatose matapos dumaing ng pagkahilo sa second round ng kanyang laban sa Central Luzon Regional Athletic Association sa Iba, Zambales noong Lunes.

Lumabas sa pagsusuri ng mga doctor na nagkaroon si Garcia ng internal hemorrhage dulot ng matitinding tama sa kanyang ulo.

Nakasuot naman ito ng protective gear pero hindi kinaya na protektahan siya nito.

Nilinaw ni Garcia na walang partisipasyon ang PSC at ang ABAP na siyang National Sports Association sa boxing, sa regional meet na ginagawa ng Department of Education para sa gaganaping 2014 Palarong Pambansa sa Laguna mula Abril 21 hanggang 27.

Nagdesisyon naman ang Department of Education (DepEd) na suspindihin ang larong boxing sa CLRAA bunga ng nangyari.

Show comments