3-sunod para sa Globalport

MANILA, Philippines - Iiniangat pa ng Globalport ang pagpapanalo sa ikatlong sunod matapos talunin ang Alaska Aces, 94-84, sa 2013-14 PBA Philippine Cup elimination kagabi  sa SMART Araneta Coliseum.

May 26 puntos si Sol Mercado habang 21 ang ibi-nigay ng rookie na si Terrence Romeo para sa Batang Pier na lumayo sa second period bago naisantabi ang rally na ginawa ng Aces sa huling yugto para tuhugin ang ikaapat na panalo sa pitong laro.

“We were able to play good defense and managed to sustain our runs in the second half,” wika ni rookie coach Ritchie Ticzon.

Pinakamalaking kalamangan na naabot ng koponang pag-aari ni Mikee Romeo ay sa 21 puntos at huli nila itong nagawa sa 68-47 iskor mula sa dalawang buslo ni Mercado.

Ngunit nakapanakot pa ang Aces at ang tres ni Jayvee Casio ang nagpababa sa kalamangan sa 10, 85-75.

 Hindi naman natinag ang Globalport at si RR Garcia na mayroong 13 sa laro ay nagpakawala ng tres para  sa 5-2 palitan upang ibalik sa 13 ang angat ng koponan, 90-77.

Huling dikit ng Aces ay sa walong puntos sa tres ni Carlo Jazul, 92-84, pero 20 segundo na lamang ang nalalabing oras para tumatag ang habol ng koponan na maalpasan ang elimination round.

Nasayang ang 28 puntos si Casio dahil nalaglag ang Aces sa ikalawang sunod na kabiguan tungo sa 2-5 baraha.

Samantala, nakatakdang magsagupa ang Meralco at Petron sa Dipolog City Coliseum sa ganap na alas-3:30 ng hapon.

Naglalaban pa ang Barako BUll at Ginebra habang sinusulat ang balitang ito kagabi.

 

GLOBALPORT 94 - Mercado 26, Romeo 21, Washington 13, Garcia 13, Yee 10, Chua 3, Hayes 3, Lingganay 2, Nabong 2, Menk 1, Salva 0, Salvador 0.

ALASKA 84 - Casio 28, Thoss 13, Jazul 10, Espinas 9, Baguio 8, Ramos 7, Exciminiano 6, Buenafe 3, Belasco 0, Dela Cruz 0, Hontiveros 0, Eman 0.

Quarterscores: 27-20, 55-35, 77-58, 94-84.

Show comments