MANILA, Philippines - Hindi makapaniwala si PSC chairman Ricardo Garcia na babawiin ang gintong naibigay na kay Jasmine Alkhaldi sa isinasagawang SEA Games sa Myanmar.
Nanalo si Alkhaldi ng ginto sa women’s 100m freestyle pero nagprotesta ang Thailand dahil umano sa false start dahilan upang hindi lumangoy ang kanilang panlaban.
Nagwagi si Alkhaldi sa 56.65 segundo tiyempo at itinulak ang dalawang Singaporeans na sina Ting Hwen Quah (56.74) at Amanda Xiang Qi Lim (57.21) sa ikalawa at ikatlong puwesto.
Pero sa di malamang kadahilanan, kinatigan ng mga technical officials ang protesta ng Thais para mag-utos ang mga ito ng re-swim na ginawa kagabi.
“How can you call a re-swim when we already have been declared the winner? The medal was given and our flag raised,†wika ni Garcia.
Umapela ang Pilipinas sa nasabing desisyon at may mga nagbalak na huwag palanguyin si Alkhaldi sa re-swim.
Ngunit ang pagiging sport ng mga Pinoy ang nangibabaw para palanguyin si Alkhaldi sa re-swim.
Tumapos lamang ang napagod na ring London Olympian sa ikatlong puwesto kasunod ng manlaÂlaro ng Thai at Singapore.
Sakali ngang nagkaroon ng false start, itinigil na sana ng mga race officials sang karera at iniutos agad ang ang re-swim
Ngunit hinayaan pa nilang matapos ang karera at higit sa lahat ay maigawad kay Alkhaldi ang gold at itas ang bandila ng Pinas bago nila binawi ang gold.
Hindi dapat ganito ang nangyari ayon kay Garcia.
“They should have stopped the awarding if there was an infraction. It takes time to award (the medals) and get the do-ping tests. They had all the time to stop it if they had a reason to,â€ani Garcia.