MANILA, Philippines - Dinurog ng men’s basketball team ang Cambodia, 107-57, ngunit malamya ang ipinakita ng women’s team para lasapin ang mapait na 36-75 pagkapahiya sa nagdedepensang kampeon Thailand sa pagpapatuloy ng 27th SEA Games basketball kahapon sa Zayar Thiri Indoor stadium sa Nay Pyi Taw, Myanmar.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng tropa ni coach Jong Uichico na ginamit ang height advantage at transition game upang ipalasap sa Cambodian dribblers ang ikalawang dikit na pagkatalo matapos manaig sa host Myanmar.
Si Mark Belo uli ang nanguna sa Nationals sa kanyang 17 puntos, mula sa 7-of-9 shooting, habang sina Ronald Pascual, Garvo Lanete, Kiefer Ravena, Jericho Cruz at Bobby Ray Parks Jr. ay may 16, 12, 12, 10 at 10 puntos.
Dahil sa solidong laro mula sa locals, ginamit lamang ni Uichico si 6’10†naturalized center Marcus Douthit sa loob ng 20 minuto at naghatid pa ng anim na puntos, anim na rebounds at tatlong assists.
Nanguna sa Cambodia si Anthony Dar sa kanyang 27 puntos at 13 boards at ang kanyang jumper ang nagbigay pa ng 3-2 kalamangan.
Pero ito lamang ang tanging ipinagdiwang ng Cambodia sa 40-minutong tunggalian dahil bumuhos ang puntos sa Pilipinas tu-ngo sa 25-16 bentahe matapos ang unang yugto.
Lumobo ito sa 44-25 sa halftime at hindi nagpabaya ang Nationals sa huling 20 minuto ng labanan nang maghatid ng 32 at 31 puntos.
Kung tumibay ang asam ng men’s team sa ika-16th gintong medalya, naglaho naman ang ha-ngaring kauna-unahang ginto sa SEAG ng wo-men’s team nang mawala ang ipinagmamalaking outside shooting.
Nakakadismayang 16-of-103 ang shooting ng koponan, kasama ang 0-of-13 sa three-point line, upang hindi makasabay sa Thais na uma-lagwa sa 18-4 matapos ang unang yugto.
Wala ni-isang manla-laro si coach Haydee Ong ang nasa double-digits at ang highest pointer ay si Analyn Almazan sa siyam na puntos upang maudlot ang inaakalang matibay na tsansa na manalo ang Pilipinas matapos hiyain ang Thais sa 2013 FIBA Asia for Women Championships sa Bangkok noong nakaraang taon.
Kailangang maipanalo ng Nationals ang huling dalawang laro laban sa Indonesia at Myanmar at manalangin din na matalo ang Thailand sa dalawa sa huling tatlong asignatura para makagawa pa ng kasaysayan sa SEAG.