Marami ang naghimutok sa galit nang sirain ng Bureau of Internal Revenue ang pagbubunyi ng sambayanang Pilipino sa pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Brandon ‘Bambam’ Rios kamakailan.
Pagkadating na pagkadating ni Pacquiao galing sa Macau, China ay pinasalubungan siya ng BIR ng isyu ukol sa tax na kulang diumano ng P2.2 bilyon ang kanyang ibinayad.
Kinailangang mangutang ni Pacquiao upang tuparin ang kanyang pangakong bibisitahin ang mga sinalanta ng bagyong Yolanda dahil naka-freeze ang lahat ng kanyang accounts pati na ang accounts ng kanyang asawang si Jinkee.
Kung talagang may kulang sa binayarang tax ni Pacquiao noong 2008-2009, kailangan niya talaga itong bayaran. Ngunit hindi sana sa ganitong panahon nagmadaling maningil ang BIR.
Kapapanalo lang ni Pacquiao at ito ay nagbigay ng dahilan sa mga Pinoy na nagluluksa pa sa sinapit ng ating mga kababayan sa Kabisa-yaan na matapos lindulin ng 7.2 magnitude ay sinalanta naman ng super typhoon Yolanda.
Nagkaroon pa ng krisis sa Zamboanga at ang isyu sa pork barrel.
Sana naman ay binigyan muna ng BIR ng pagkakataong namnamin ng bawat Pinoy ang pag-asang ibinigay ni Manny sa nagbaba-ngong Sambayanan.
Sinabi naman niya na kung talagang kaila-ngan niyang magbayad ay magbabayad naman talaga siya.
Lahat ng bagay ay puwedeng idaan sa mabuting usapan.