Bryant maglalaro na kontra sa Sacramento?

MANILA, Philippines - Posibleng maglaro na si Los Angeles Lakers guard Kobe Bryant sa darating na Biyernes sa Sacramento.

Sumali si Bryant, magbabalik mula sa naoperahang Achilles na nangyari noong April sa light practice ng kanyang koponan nitong Sabado.

Hindi pa siya lalaro sa laban ng Lakers kontra sa Portland Trail Blazers nitong Linggo ngunit may tatlong practice pa ang koponan bago ang laban kontra sa Kings at may pagkakataon si coach Mike D’Antoni na masubukan ang mga binti ni Bryant.

“I don’t want to anticipate anything,” sabi ni D’Antoni. “Those are days that he can work and see, re-evaluate how he feels after the three days and then make a decision going forward. That doesn’t mean he will play Friday, doesn’t mean he won’t. We’ll have three days of practice, and then we’ll know better.”

Sinabi ni D’Antoni na possible na ring bumalik si guard Steve Nash para mag-practice nitong Linggo kung papayagan na siya ng doktor.

Si Nash ay kasama ng kanyang Canadian trainer na si  Rick Celebrini ng isang linggo para i-rehabilitate ang kanyang problema sa likod at ie-evaluate ng mga doctor ng Lakers doctors  ngayong linggo.

Show comments