MANILA, Philippines - Walong Olympic sports at siyam na traditional sports events ang gustong alisin ng Singapore para sa kanilang pamamahala sa 28th Southeast Asian Games sa 2015.
Ito ang ibinunyag kahapon ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia matapos makakuha ng nasabing listahan.
Sinabi ni Garcia na aabot sa 20 gintong medalya ang maaaring mawala sa bansa sakaling tuluyan nang aprubahan ng SEAG Federation sa kanilang pulong sa susunod na linggo ang natu-rang listahan.
“Easily mga 15 to 20 gold medals ang maaa-ring mawala sa atin,†wika ni Garcia. “But I am confident that some of these sports will be reinstated sa listahan para sa 2015 SEA Games.â€
Ang mga Olympic sports na gustong alisin ng Singapore SEA Games Organizing Committee (SINGSOC) sa calendar of sports ay ang boxing, equestrian, wrestling, weightlifting, rowing, volleyball, modern pentathlon at handball.
Ang mga traditional sports naman na planong ibasura ng SINGSOC ay ang karatedo, muay thai, soft tennis, dancesport, baseball, bridge, petanque, lawn balls at chess.
Nakatakda ang 2015 Singapore SEA Games sa Hunyo 5 hanggang 16.
Para sa darating na Myanmar SEA Games sa Dis-yembre 11-22, inalis sa listahan ang mga Olympic events na badminton, lawn tennis at beach volleyball at ipinalit ang kanilang mga traditional martial sports kagaya ng vovinam, chinlone at kempo.
Sa 36 events na nakunan ng mga Filipino athletes ng mga medalya sa 2011 SEA Games, ang 16 dito ay hindi isinama ng Myanmar.
Dahil dito, aabot sa 16 gold medals ang mawawala sa bansa para sa 2013 Myanmar SEA Games, ayon kay Garcia.