MANILA, Philippines - Ang dominasyon ni Manny Pacquiao kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios ay hindi nangangahulugan na kaya na ng Filipino world eight-division champion na sagupain si Floyd Mayweather, Jr.
Sa panayam ng HustleBoss.com, sinabi ni Floyd Mayweather, Sr., ang tatay at trainer ng American world five-division titlist, na hindi ito sapat para maitakda ang Pacquiao-Mayweather super fight.
“Yeah, I saw it. I’m going to be honest with you, the guy can’t fight. Not Manny Pacquiao; the guy that he fought can’t fight,†wika ni Mayweather Sr. kay Rios. “Because the guy don’t have what it takes.â€
Tinalo ng 34-anyos na si Pacquiao ang 27-anyos na si Rios via unanimous decision para angkinin ang World Boxing Organization (WBO) International welterweight title noong Linggo sa Macau, China.
Dahil sa hindi niya napatumba si Rios ay marami ang nagdududa kung kaya ni Pacquiao na maki-pagsabayan sa 36-anyos na si Mayweather.
“I’ll tell you the truth, Manny Pacquiao aint ready for my son yet,†sabi ni Mayweather Sr.
Ayon kay Mayweather Sr., mas makabubuting labanan muna ni Pacquiao si WBO welterweight king Timothy Bradley, Jr. para sa isang rematch bago isiping sagupain ang kanyang anak.
Ginulat ni Bradley si Pacquiao mula sa isang kontrobersyal na split decision para agawin sa Filipino boxing superstar ang hawak nitong WBO welterweight crown noong Hunyo 9, 2012.
“He needs to fight Tim Bradley,†wika ni Mayweather Sr. “I aint saying that he didn’t beat him the first time, I’m just saying he has to do it where there is no doubt.â€