WOMEN’S W L
PLDT 2 0
TMS Army 3 1
Cagayan 2 1
Cignal 2 1
Petron 0 3
RC Cola 0 3
MEN’S W L
Giligan’s 2 1
Sytema 2 1
PLDT My DSL 1 1
Maybank 0 2
Laro NGAYON
(Ynares Sports Arena,
Pasig City)
2 p.m. Cagayan vs Cignal (W)
4 p.m. PLDT vs Petron (W)
6 p.m. PLDTMyDSL vs Maybank (M)
MANILA, Philippines - Palalakasin pa ng PLDT ang laban para sa unang dalawang puwesto sa Philippine Super Liga volleyball Grand Prix 2013 sa pagbangga sa walang panalong Petron ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Pangalawang laro dakong alas-4 ng hapon ang tagisan at ikatlong dikit na tagumpay ang hahawakan ng Speed Boosters para manumbalik sa liderato sa anim na koponang liga na inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation (FIVB).
Unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon ay sa pagitan ng Cagayan Valley at Cignal at ang mananalo ang sasalo sa nagdedepensang kampeon na TMS Army (3-1) sa pa-ngalawang puwesto.
Huling laro dakong alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng PLDT MyDSL at Maybank sa men’s division.
Sa pamamagitan ng dalawang matitinding guest players mula sa USA na sina Kaylee Manns at Savannah Noyes, naipanalo ng PLDT ang unang dalawang laro at maging natatanging koponan na hindi pa natatalo.
Hindi naman dapat magkumpiyansa ang bataan ni coach Roger Gorayeb dahil unang panalo ang habol ng Petron matapos ang tatlong sunod na pagkatalo.